Tuesday, April 25, 2017

Mga natutunan ni iStar-Tariray lately


Bakit Hagdan ang napili kong larawan?
Kasi para syang buhay ng tao,
Kung minsan papa-akyat,
Tapos kung minsan pa-baba naman.

1. Di ka masasaktan lalo na kung di mo alam. Kaya mas mabuti wag mo nang alamin ang katotohanan.

2. Mas masarap kumain ng tsokoleyt (kesa maki-pag-sex) lalo na kung stressed ka.

3. Mas madaling mag-share ng ideya at mga larawan mo gamit ang G+ kesa sa Facebook, Instagram idagdag mo na din yung sa blog mo.

4. Ang poblema tinatawanan ko lang tapos kailangang pag-isipan kung anu na ang dapat kong gawin.

5. Mas masarap tumambay sa tabing dagat lalo na sa may Harbor Square. Wag mo nga lang aamuyin yung hangin kasi minsan di sya ganun ka-aya-aya.

6. Di dapat sinasabi ang lahat sa asawa kasi di ka naman sure kung sya ay ganundin sa iyo.

7. Kailangan mayroon ka ding lihim para may pa-misteryosong epek ka din.

8. Kapag sinesermonan ka ng Nanay mo, wag mo nang sagutin kasi hahaba lang.

9. Kapag nag- walwal na ang boss sa mali mong nagawa, mag-sorry ka at sabihin gagalingan mo next time. Para Manahimik na sya.

10. Wag mangangako lalo na kung wala kang planong gawin.

11. Gawin mong di laging available ang sarili mo sa iba. Para naman hanap hanap ka din.

12. Wag laging mabait, kasi mag-kaiba ang mabait at tanga.

13. Ang asawang lalaki ay di talaga aamin na may babae kahit na mag-ka-pit-pitan ng bayag.

14. Ang buhay, di laging masaya-masagana-makulay meron din yang ups and down.

15. Walang perpektong mag-asawa, kahit na puro malambing at masasaya ang mga pictures nila sa lahat ng social media. Kung minsan nga sila pa itong may mga matitinding poblemang dinadala.

16. Si Lord, sya ang may akda ng lahat-lahat kaya dapat matuto tayong ibigay ang nararapat na pag-sunod sa kanya.




Hagdan nga pala ito sa PH National Museum, nabighani akong masyado kaya kinuhana ko ng litrato.


#TagalogPost,
#Lesson,
#Hagdanan,
#Stairs,
#Staircase,
#NationalMuseum,
#NationalMuseumStaircase,
#istariray23photography,
#istariray23moments,
#istariray23moments,
#istariray23hugotlines,

No comments: