Thursday, July 12, 2018

Bakit ako?


Bakit Ako?

Anu bang nakita mo sa akin,
At bakit ako?

Sa dinami-dami nila dumaan sa iyo,
Pero bakit ako?

Maganda, mas bata, mayaman,
bakit ako?

Ako, na may mapait na nakaraan
bakit ako?

Ako, na iniwan at sinaktan
bakit ako?

Ilang beses man kitang itinaboy
 pero nandyan ka pa din...

Ilang beses kitang binalocked
  pero di mo pa din ako tinalikuran...

Sana, sa mga darating pang panahon 
  di ka mag-sasawa sa akin...

Sana, sa mga buwan at araw pang mag dadaan
 di ka mag-babago sa akin...

Bakit ako?
 ang mga tanong ko na paulit ulit mo nang sinagot

Bakit ako?
 ang laging kong tinatanong na walang 
 sawa mong sinasagot...

Bakit ako?
 na palaging mong sinasagot
 na walang dahilan kundi "Mahal kita!"

#Tula,
#BakitAko,
#TulaParaSaIyo,
#DahilSaIyo,#hugot,
#hugot101,
#hugotlines,
#hugotpa,
#hugotpamore,
#hugotfeels,
#hugotpinoy,
#TruthSlap,
#istariray23moments,
#istariray23hugotlines,
Location: Makati, Metro Manila, Philippines

Search This Blog

Other Post

Blog Archive