Mommy Mode On na naman ako kaya todo re-searched na naman ako para sa assignment ni Ate Jedi :)
Actually she did help me in searching the world wide web about this. So mga momshie, i-share ko lang sa inyo itong mga ito para dagdag inpormasyon sa assignment ng mga anak nyo.
Alam mo ba kung ano ang Polo y Servicios?
Ninais ng mga Espanyol ang pag-papaunlad ng mga pamayanan. Nagpagawa ito ng mga kalsada, simbahan, mga gusaling pampamahalaan at iba pang proyekto na mapakikinabangan ng buong bayan. Ngunit salat sila sa perang pambayad para sa mga gagawa. SA dahilang ito, nag palabas ang pamahalaan ng kautusang nag sasaad "na ang bawat Pilipinong lalaki na may gulang na 16 hanggang 60 taong gulang ay sapilitang pinaglilingkod sa loob ng apatnapung araw (40) sa pamahalaan. Ito ay tinatawag na sapilitang paggawa o Polo y Servicios. Polista ang tawag sa mga mang-gagawa dito.
Ang mga Polista ay pinag sisilbi rin sa mga ekspedisyon ng Espanya sa Moluccas at sa iba pang bahagi ng Asya kahit na ito ay bawal sa batas ng pag-tatrabaho sa labas ng kanilang mga baryo. Upang makalibre sa sapilitang paggawa, kailangang munang mag bayad ang mga polista ng isa at kalahating reales sa bawat araw na tinatawag na Falla.
Ginamit ng mga Espanyol ang pamamaraang reduccion o pagtipon sa mga sinaunang Pilipino sa mga pueblo at ang encomienda upang mapadali ang pamamahala at pangongolekta ng tributo. Ang mga hindi makabayad sa tributo ay naninirahan sa mga bundok at tinawag na remontados o tulisanes at itinuturing na pinakamababang uri ng tao sa lipunan.
Kakaunti lamang ang mga Espanyol na ipinadala sa kapulungan, hindi magtatagumpay ang kolonisasyon kung hindi dahil sa tulong ng mga katutubong pinuno ng na nangongolekta ng tributo at nagpatupad ng Poly y Servicios. Ginamit naman ng mga katutubong pinuno ang kanilang posisyon upang makinabang at mapayaman ang sarili. Naglagay ito ng malaking agwat sa kanila at sa mga karaniwang tao sa aspetong pampolitika at pang-ekonomiya.
Dahil sa mga kaganapang ito, napabayaan ng tao ang kanilang pananim, nawalan ng ganang magtrabaho kaya nasadlak ang mga Pilipino sa kahirapan at labis ng pagsasamantala. At ito ang naging isa sa dahilan ng ilang pag-aalsa.

Bokabularyo:
Polo y servicios - sapilitang pag-gawa
Polista - tawag sa mga mang-gagawa sa Polo y servicios
Falla - tawag sa bayad ng mga Polista upang makalibre sa sapilitang pag-gawa
Remontados o Tulisanes - tawag sa mga hindi makabayad sa tributo na naninirahan sa mga bundok at itinuturing na pinakamababang uri ng tao sa lipunan.
Reduccion - tawag sa pamamaraang ng pagtipon sa mga sinaunang Pilipino sa mga pueblo at ang encomienda upang mapadali ang pamamahala at pangongolekta ng tributo.
Tributo - ay isang kayamanan na kadalasang di-salapi na binibigay ng isang partido sa isa pa bilang isang tanda ng paggalang o, sa kadalasang konteksto sa kasaysayan, tanda ng pagpapasakop o pagkampi.
#mommymodeon, #PoloyServicio, #istariray23moments, #mommytime, #mommyduties, #ForcedLabor, #AralingPanlipunan, #Polista, #Falla, #Remontados, #Tulisanes, Reduccion, #Tributo, #istariray23learnings,