Barat Travel ni Istariray23
Summer nah, anung plano mo?
Di na kita tatanungin kung saan ka dadalhin ng Php 50.00 or Php 100.00 pesos mo kasi tong napuntahahn ko "Walang Bayad" as in "FREE".
Tama ang nabasa mo, kung ikaw ay nasa Brgy. Wawa nah, hike ka lang ng konti mga 10 minutes or less then reach mo na agad ang Wawa Dam ng Rodriguez Rizal.
Kung ikaw ay walang ka-arte arte, nature admirer-lover, Cowboy, ayaw gumastos ng mahal, sawa na sa mga pa-sosyal at mamahaling resort, tiyak na magugustuhan mo itoh!
Ang lapit nya sa Manila from Las Piñas it took us ony 2 hours and 37minutes via motor.
Kung mag-ko-commute ka naman sa may Cubao Farmers naka parada dun yung mga van na biyaheng Rodriguez Rizal. From there, sakay ka lang ng dyip papuntang Wawa Dam.
Kung me sasakyan ka naman eto ang Parking Fees:
Motor 30.00
Kotse/Van 50.00
Then bayad sa kubo were as follows;
Kubo malapit sa dam is Php 150.00
Kubo sa itaas ng Dam is Php 200.00
CR para palitan ng damit at banlawan is Php 5.00
Yun lang ang gagastusin mo and syempre yung food mo. Madaming mga tindahan sa paligid pati na din sa iyong dadaanan pa-puntang wawa dam. May mga mineral water, soda, junk foods, tinapay, meryenda, gulay at mga lutong ulam at kanin din.
Madami ding activities na pede mong gawin aside sa swimming, bamboo rafting, kayaking, pictorial, rock climbing at your own risk to huh dahil wala talagang rock climing area dun nasabi ko lang kasi sobrang daming dambuhalang bato sa lugar. I actually liked the entire place kasi kahit san ka lumingon puro picture and IG worthy yung kakalabasan ng mga kuha mo. Tapos kung sini-sipag-sipag ka naman ituloy mo na ang hiking sa Mt. Pamintian- eto yung pinaka malapit at Mt. Binakayan.
Meron pa pala, punatahan mo rin syempre yung falls na located before mo marating yung wawa dam. Makikita mo na itong falls na ito habang nag lalakad ka. Grabeh nag-enjoy akong kakatalon, akyat-baba na mala gagamba sa mag higanteng bato ma-rating ko lang itong falls na ito para makunan ng pictures🤣😂🤣😂.
Yung Dam nga pala ay napapalibutan ng mga bundok kaya kahit na katanghaliang tapat ay may lilim pa din sa bathing area. Malabo kang mag kaka sun burned puwera na nga lang kung talagang bababad ka sa ilalim ng araw.
Sulit ang punta ko kasi next week babalik ako para naman akyatin na ang Mt. Pamintian o di kaya yung Mt. Binakayan. Abot tanaw ko na sila eh, kaya lang mas pinili kong mag babad sa Dam na may malamig, malinaw at malakas na tubig. Anung sinabi ng lunch at the waterfalls ng Villa Escudero dito???✌️😂✌️😂
Isang tip nga pala, walang overnight sa ibaba ng dam yung overnight sa taas lang ng dam kasi walang ilaw sa ibaba. Bukas po yung area as early as 5:30 AM para sa mag-hihike until 6:00 PM po.
Nga pala tatapusin ko muna yung review ko sa blog ko sa ngayon eto muna. I dagdag ko na lang yung link pag-natapos ko nah.
O ayan huh, na share ko na. Yayain mo na sila at pumunta na dito. I-like mo at i-share mo na din para umabot at kumalat sa mas nakakarami.
#Dam,
#WaWa,
#Rizal,
#WawaDam,
#RizalGravityDam,
#RodriguezRizalDam,
#istariray23Laboy,
#istariray23travel,
#istariray23moments,
#istariray23photography,