Wednesday, September 20, 2017

Feeling Bagets si Tariray


BER Months are finally here!!!

Miyerkules ng hapon umulan ng bahagyan kaya eto ako nag-kukumahog isilong ang aking mga nilabhang damit kahapon. Nga pala dahil nagawa ko na yung mga dapat kong gawin kahapon naisip ko na munang matulog bago ko puntahan ang eskwelahan ng aking mga anak. Nag alarm ako ng mga alas dos kasi nga alas tres ay uwian na ng aking mga buging.

Hindi ko na inabala ng malala ang aking sarili bagkus konting kilay, lipstick at pulbos lang umalis na ako ng bahay. Para pa din akong nakalutang sa panaginip gawa nung napa-nuod kong "100 Tula para kay Stella". Grabeh, ang ganda nya. Napaka makatotohanan ng pelikulang ito. Gustong-gusto ko yung mga tula na ginagawa ni Fidel para ke Stella. Kung ma-ibabalik ko yung highschool at college days ko masasabi ko na madami dami na din akong tula na nagawa ngunit di ko na-i-compile ang ilan. Gawa ng pusong nasasabik at na-ngungulila sa taong ni hindi mo masabi ang nilalaman ng iyong puso at ang iyong tunay na nadarama. Yung mga kantang ginamit ay talagang sakto at tamang-tama sa tema ng istorya. Napakagandang paking-gan ito ng paulit-ulit habang na-aalala ko yung mga esksena sa pelikula. Parang ako lang si Fidel nuon, less the speech defect.

Mabanggit ko nga pala humanga at umibig din ako... ang sarap ng pakiramdan... si crush, pag nakikita ko ay isang napakasayang puso ko ang pinaliligaya nya habang sya ay aking tinititigan papalapit sa aking harapan. Haayyy, walang chance na mapansin ako ni Crush. Kasi naman may syota na si crush and all eyes and ears na lang sya syota nya. Kapano wala na man talaga akong hilig mag-ayos, ang lagi kong hawak ay mga aklat at kuwaderno at ballpen ko. Gusto ko kasi ayos ang future ko, kaya wala akong time sa lab layf na sinasabi nilang iyan. Masyadong bata pa para sa mga ganyan kaya okay na sa akin si crush. Makita ko pa lang si crush buo na ang araw ko, masaya na ko at the same time pa bibo ako sa klase pag present si crush. ha ha ha! High School life nga naman.

   

Habang papa-alis ako ng bahay at kasalukuyan kong tinatahak ang Daisy Street naramdaman ko ang napakasarap na simoy ng hangin- malamig, mahinahon na parang malambing na syang sumusuyo sa aking binti papa-akyat sa buo kong katawan. Ang sarap sa feeling- naramdaman ko ang ganitong lamig nuong ako ay nasa Baguio. Bigla ko tuloy namiss ma-mundok kahit saglit. 

Feeling teenager ulit ako- ha ha ha!

Kainis!! 

Talaga itong si Stella at Fidel oo, idagdag pa natin sina Tonyo at Lea hayyy nakow. 

Bagets na bagets ang feeling ko...

#FidelAtStella,
#100TulaparakayStella,
#feelinghighschool,
#feelingbagets,
#kinikiligako,
#bagets,
#TonyoatLea,
#KitaKita,
#istariray23moments,
Location: Las Pinas, Metro Manila, Philippines

Search This Blog

Other Post

Blog Archive