Sunday, June 06, 2004

Kailangan Kita 2002 Tagalog Movie


Official Movie Poster

Directed by Rory B. Quintos
Screenplay by Shaira Mella Salvador | Raymond Lee
Story by Shaira Mella Salvador | Raymond Lee | Emman dela Cruz
Produced by Charo Santos-Concio | Malou N. Santos
Starring Aga Muhlach | Claudine Barretto
Cinematography Shayne Sarte Clemente
Edited by Marya Ignacio
Music by Jessie Lasaten
Production company: Star Cinema
Release date: November 6, 2002
Country: Philippines
Language: Filipino

See the movie synopsis in this link Wikipedia

Isa ito sa pinaka paborito at kinagigiliwang movie talaga ng generation ko dahil sa sobrang ganda ng kuwento nito, yung mga tauhan pati na din yung setting, palitan ng linya and yung mismong mga suliranin na tinalakay sa pelikulang ito. 

Nung napanuod ko ito, parang biglang gusto kong pumunta ng Bicol at masilayan ang Mayon, ganda kase ng kapaligiran dun. Na parang ang sarap kumain ng laing mismo sa Bicol kesa dito sa loob ng bahay namin ha ha ha!

Ang galing ng acting nina Claudine Baretto, Aga Mulach sa movie na ito. Isama mo na din yung ibang cast na super sa support na ipinakita ng bawat character.   

Yung lahat nang mga linyahan talaga tumatak...
Yung walang masyadong cheesy lines kundi mga palitan nang linyahan na may buhay, natural at puso...

Mamay: Ang ganda ni Crissy anu?
Alam mo sa lahat ng mga anak ko, 
Sya ang pinag mamalaki namin.

Mamay: Naku Carl, pag-pasensiyahan mo na pag-kain namin. Yan lang yung nakayanan namin...
Carl: This is too much!
Sony: Sus, pag si Mama ang nag-handa talagang wala pa yan...
(Tapos yung pag-kain sa mesa ay pang-fiesta)

Basta Mang Fidel gusto ko maganda yung gagawin mo huh, yung magarbong magarbo.
Kase iimbitahin ko sina Gobernor, Mayor at Congressman.
Kaya, kaya ayokong mapapahiya. Ito ang pinaka malaking kasalang magaganap sa bayang ito. Kaya galingan mo huh.-Mamay
Opo - Mang Fidel

Kaya ganyan ang buhay mo,
Lahat idinadaan mo sa biro,
Lumalabas tuloy ang kabobohan mo.
Kahit kailan, perwisyo...- Papay

Carl: Matagal na ho ba sya sa inyo?
Sony: Sinu? 
Carl: Sya-(sabay turi kay Lena)
Sony: Anu ka ba eh, kapatid namin yan!
Sony: Di ba nasabi ni Manay Dhang sa iyo?
Giselle: Naku si Manay Lena napag-kamalang Katulong...

Carl: Anu ba ang pinakain nyo sa akin?- Carl
Lena: Ikaw ang kumain, ginataang apoy,Hipon, niluto sa gata, alamang at sili...maraming maraming sili...
inumin mo...-Lena to Carl sabay bigay ng gatas ng kalabaw

Mamay: Pero tiyak na kailagan mo ang tulong ni Lena, 
dun sa ihahanda mo sa kasal. Two hundred ang kumbidado ko Carl.
Carl: Two hundred? sabi sa akin ni Crissy 60?
Mamay: Hindi Baba, two hundred pero para makasiguro tayo gawin nating 250, okay?
Carl: Sure 250, no problem- Carl

Carl: Eto yung Mayon di ba? Well, still nothing compared to the grand canyon.

Carl: May, asan ang kay Lena?
Mamay: Ah, e Carl si Lena sya ang bahala sa kusina.
Kailangan may mag-aasikaso sa pag-kaing ihahanda mo.
Ay, Carl alangan namang ipag kakatiwala mo yon sa ibang tao di ba?
Di ba Lena?
Lena: At saka hindi nyo naman ako mapag-susuot ng ganyan eh-Lena
Carl: Bakit hinde maganda ka naman...
Oo, nga...
Mamay: Puede ba Carl wag mo nang pilitin, ako mismo sumuko na sa tigas ng ulo nya

Lena: Di mo dapat sinabi yun
Carl: Ang alin, na maganda ka?
Lena: Nakakahiya
Carl: ha ha, Isn't that's so Filipino?
Carl: Bakit ka mahihiya sa totoo?
Carl: Besides, I really find it weird you know,
you're next to Crissy, right? Di ba nga dapat ikaw ang maid of honor nya?
Lena: Walang mag aasikaso sa kusina.
Carl: The point is Lena, kapamilya ka nila hindi katulong.

Giselle: Wow Manay! ang Ganda mo! Ang ganda ni Lena, Pay noh?
Papay: San ba lakad mo sa kabaret?

Cynthia: Uy, ang guapo ng fiance' ni Manay Dhang ah. Kung sabagay guapo din naman yung sa iyo. Sayang kasi pinakawalan mo pa eh.
Lena: Cynthia anu ba? baka may makarinig sa iyo.
Cynthia: Jusko naka huh, hanggang ngayon ba naman ba issue pa yun?

Papay: Ang tatapang nang mga apog wala namang mga bayag. Mga komunistang walang pinaglalaban kundi pagiging patay gutom nila.
Fr Ruben: Papay, hindi naman lahat may mga natititra pa ding may mga prinsipyo
Papay: Wag mong gamitin sa akin yang pagiging pari mo huh. Baka nakakalimutan mo, walang Diyos ang mga iyon.
Carl: Tutuo yun
Sony: Galit ka din ba sa mga NPA, Bayaw?
Carl: they're no beter than mercenaries, mga tulisan, sa tagal na nila sa bundok hindi na nila alam kung anu pinag lalaban nila. Kung meron nga silang pinaglalaban. Dapat nga sa kanila bumaba dito at tumulong na lang sa poblema ng Pilipinas. But they done nothing but put us on a blacklist worldwide.

Carl: kailangan natin dito ng higanteng kawa at hinganteng braso na mag hahalo ng paella
Lena: Oo, kung hindi mahilaw matulad sa iyo.
Carl: Lena may poblema ba tayo
Lena: ang Pilipinas gaya nang sabi mo marami, ako wala. Ang sinasabi ko lang hilaw ka. Alanganing Pilipino, alanganing Amerikano. 
Carl: Teka, teka, sandali sandali. Me galit ka ba sa akin? Me kasalanan ba ako sa iyo?
Lena: Ikaw, anu bang kasalanan sa iyo ng mga tulisang sinasabi mo?
Carl: oh, that's it. Lena that's just my opinion. Opinion lan yun walang personalan.
Lena: Pwes, mali ang opinyon mo at tama pinepersonal ko. Ang alam ko kase sa mga namumundok na yan nasa bundok pa din sila ng Pilipinas.
Carl: ah, at ako wala? ako ang traidor
Lena: ikaw ang nag sabi nyan
Carl: pero yun din ang gusto mong sabihin kanina pa di ba?
Lena: hindi! gusto ko lang malaman mo na wala kang karapatang humusga sa kapwa mo Pilipino. Lalo na sa mga Pilipinong naiwan.
Carl: wala ka ring karapatang husgahan ako o ang mga Pilipinong nagsisialisan para lang mag hanap nang mas magandang buhay.
Lena: kung lahat ng Pilipino kagaya mo, wala nang maiiwan dito sa Pilipinas.

Lena: bakit pa kayo bumaba? alam nyo naman na maramig militar, maraming check point
Abel: kailangang kailangan na eh.
Carl: Lena?
Lena: Abel, kailangang madala ka sa ospital 
Abel: hindi na, daplis lang yun eh kailangan ko lang magpahinga. Bukas aalis dina naman ako. Lena, pasensiya na huh.
Carl: Lena, kukuha lang ako nang panglinis ng sugat huh saka nang makakain.
Abel: Adi, salamat huh

Lena: Salamat, salamat sa tulong mo
Carl: si Abel?
Lena: NPA sya
Carl: I'm sorry
Lena: kaeskwela ko mula pag-ka bata, kaibigang matalik
Carl: kaibigan lang?

Lena: Abel, Abel kapanu ka na?
Abel: may kasama akong nag hihintay sa gubat, Lena hanggang dito ka na lang

Papay: Nag tago ka nang kriminal sa lupain ko. Kapanu mo nagawa sa akin yun?
Lena: hindi kriminal ang taong ipaglaban ang sa tingin nya'y tama.
Papay: Tama? anu ang tama sa ipinaglalaban nila? Yung ma merwisyo ka ng kapwa? Ma-ngikil ng mahirap? Pumatay ng kalahi? Yun ba ang tama? Punyeta!! Wala kang kahihiyan! Para kang mauubusan ng lalake. Iniwan ka na nga eh. Pinagdudutdutan mo pa yang sarili mo. 
Lena: hindi ako iniwan ni Abel, ako ang nag pa-iwan
Papay: dahil sa amin ganun ba? kame pa ang lumalabas ng may kasalanan ng lahat? Yan ba ang pinupunto mo? Wag mo kaming gawing dahilan. Ni minsan hindi ka namin inubliga. Nariyan ka man o wala, mabubuhay kami at ma mamatay. Hindi namin kailangan ang sakripisyo mo.

Carl: Lena okay ka lang?
Lena: bakit hindi? Pamilya ko to.

Carl: Grabeh talaga oh. Alam mo ba sa laot pa lang nabili na ng mga Intsik at Hapon yung malalaking isda. Kawawa naman tayong mga Pilipino lagi tayong naiisahan. Alam mo napanuod ko sa Discovery channel sa barko pa lang ginagawa nang delata yung mga huli nila. Alam mo pedeng dito pa galing yung mga isda na yun.

Carl: sayang, di hindi mo napanuod yung sa stress and distress na ang emotions ay puedeng maging cause ng cancer. dahil daw ang tao, tayo pag tinatago daw natin dito lahat ng galit at inis natin ma co confuse yung selves natin at pag nangyari yun sa katawan natin nag po produce sya ng chemical at yun ang nakakamatay. isang source nang cancer yun.

Carl: huy, kanina pa kita kinakausap hindi mo ako pinapansin. Ilabas mo yang nasa sa loob mo.
Lena: Carl, ayokong pag-usapan ang buhay ko.

Carl: i love you 
Crissy: Carl, is there something wrong? Carl?
Carl: wala, wala, wala...
Crissy: no offense it's just that, it's the 1st time I ever heard you said it.
Carl: what, about what? 
Crissy: that you loved me
Carl: really? 

Lena: Carl, maganda ba sa America?
Carl: yeah, okay naman, pwede na. Nakakapagod lang kase trabaho ka nang trabaho. At American Citizen ka pero hindi ka naman Americano. So kailangan parati mong patunayan sa sarili mo, araw araw patutunayan mo na parang kaya mo rin, parang magaling ka rin.


Carl: ikaw, ayaw mo bang pumunta dun?
Lena: highschool pa lang ako pinangarap ko nagn pumunta sa America.
Carl: o, anung nanyari?
Lena: ang sabi kase ni Papay, matatalino lang daw ang puedeng pumunta sa America gaya ni Manay Dang. 
Carl: God, Lena.. anung ginagawa sa iyo ng Tatay mo? You know what I'm beginning to hate your father.
Lena: Wag kang magsalita nang ganyan magiging biyenan mo rin yun.
Carl: Yeah, thank God we're leaving right away.

Lena: kamusta si Manay Dang?
Carl: parang mas importante pa sa kanya yung trabaho nya kesa sa kasal namin
Lena: hindi ba Carl dapat mas alam mo kung anu ang sagot. Tatlong taon kayo ni Manay Dang...
Carl: yeah, kung su sumahin mo yung time that were together. I can't even remember the last time we were together.

Lena: Ayan na sya, kapag napapayag natin si Ka Pinong na magluto nang laing para sa kasal ninyo ayos na tayo.

Lena: Ka Pinong, si Lena po
Ka Pinong: ay si Lena pala
Lena: kasama ko po si Carl, yung mapapangasawa ni Manay Dang.
Carl: Maayong adlaw po
Ka Pinong: Bayad na Adlaw
Lena: Carl, sya yung sinasabi ko sa iyo si Ka Pinong. Sya yung pinakamagling mag-luto nang laing.

Lena: Carl wag ka nang bastos, sandali
Carl: sana hindi mo na lang ako dinala dito. Sya ang ama ko Lena, yung matandang bulag na yon. Sya ang ama ko...

Carl: Alam mo suerte nang mapapangasawa
Lena: sus
Carl: hindi nga, maganda ka, masarap magluto, ma-asikaso, matalino, mabait, masungit ka nga lang kung minsan.
Lena: Alam mo masama kang nagugutom
Carl: hindi nga
Lena: ikaw nga ang mas masuerte eh, dahil si Manay Dang ang mapapangasawa mo.
Carl: hmmmm, alam ko...

Lena: kain ka
Carl: hindi ikaw ang nag luto nito
Lena: pinadala yan ni Ka Pinong, tikman mo daw

Lena: Carl....
Carl: stay out of this Lena
Lena: gusto ko lang makatulong...
Carl: tulong? anu ba alam mo Lena?
Lena: Ama mo pa rin sya
CArl: Fuck you don't have to tell me that. Daladala ko pangalan nya. At dala dala ko yun hanggang sa mamatay ako. and that's his only contribution... that's his only contribution....dahil di mo alam pinag daanan ko ng mga kapatid ko at nang Nanay ko dahil sa kapabayaan ng taong yun. And for what? Ayun, namundok sya at nag NPA ipinag laban ang bayan at our expense, do you think that fair? You think that fair? 
Lena: I'm sorry Carl, hindi ko intensiyong makielam. Baka lang kase pag alis mo hindi na kayo mag-kita ule. Dala mo pa din yung galit sa puso mo. Natatakot lang ako para sa iyo, at para sa mga anak mo. Dahil darating din ang araw Carl, magiging isang ama ka rin. 

Ka Pinong: Pare pareho lang naman ang pag luto ng laing. pare pareho lang ng mga rekado. Pero siguro iba lang ang gata ko, punong puno ito ng pag-mamahal. Alam mo, ito ang paborito ng anak ko. Si Kaloy, mahilig sa gata yon, kaya sa bawat pag-piga ko nang gatang ito ibinubuhos ko ang lahat ng pag-mamahal sa gatang ito na hindi ko na ibigay sa kanya.
Carl: Tay...
Ka Pinong: Kaloy...

Carl: Lena..
Lena: Nangyare na ang nayare, di mo ako pinilit, pero maling mali

Fr Ruben: hindi na po ako masaya sa ginagawa ko
Mamay: anu bang saya ang hinahanap mo eh pari ka?
Carl: Anung ang yayare
Sony: hala ayun, nag resign sa pag-papari kanina habang nag-mimisa
Mamay: gusto mong mag disco, mambabae, mag night club tulad ni Sony?
Sony: oh, bat sali na naman ako dyan?
Papay: tumahimik ka! Ruben
Fr Ruben: po?
Papay: bawiin mo yung ginawa mong pag-talikod sa pag-papari mo. Bawiin mo. Hanggat may oras pa.
Fr Ruben: (humugot nag isang malalim na hininga) hindi po Pay. Hindi ko na po babawiin. Gusto ko na pong mag-asawa..
Mamay: Susmaryosep!!
Sony: Sabi ko na nga ba babae lang yung dahilan eh
Papay: Sinung babae?
Mamay: kilala ba namin sya anak?
Fr Ruben: Si Mario po
Sony: sus, puta!
Mamay: diosko Ruben, anu bang nagawa namin?

Lena: May, kapag tinitingnan nyo ako nakikita nyo ba ang anak ninyo o nakikita nyo lang ang isang Lena?
Mamay: Huh?
Lena: wala...

Papay: Nag kamali ba ako nang pag-papalaki sa kanila? Sinira ko ba ang buhay ng mga anak natin?

Mamay: NAku Lena, mabuti na lang at duamting ka. Anugn gagawin natin? Jusko malaking kahihiyan ito. Pinadala ko na lahat ng mga imbitasyon. 
Carl: I'm sorry
Mamay: hindi iho, alam ko, alam ko si Criselda ang dahilan. Sinasabi ko na nga ba, it was all too good to be true. I knew it, I just knew it. After allo these years hindi pa din sya nag-babago. Si Criselda, yang anak ko yan busog na busog yan sa pag mamahal. Lahat dito sya ang paborito, kahit saan sya mag punta marami syang kaibigan, kapanu bukod sa maganda na mabait pa, at masarap kasama, at likas na matalino, kahit hindi sya mag-aral honor student sya. Pero ang hindi ko maintindihan lagi pa rin syang may hinahanap, hindi mapakali sa isang lugar, napakadaling mainip, pati sa tao. 
Carl: May, walang kasalanan si Crissy. Ako nag bago ng isip, pati puso ko nag bago. Pati yata buong pag-kato ko mula nung nag-balik ako dito. 
Mamay: iho, hindi kita maintindihan
Lena: May, alam na ba ito ni Papay?
Carl: ako ang kakausap sa kanya
Mamay: naku wag, wag iho. Wag muna ngayon, maselan ang lagay ng Papay nyo. Baka hindi nya makayanan. 

Carl: Precisely, dahil iniisip ko lahat. Ako, si Crissy, pamilya nyo kaya ako nag desisyon ng ganito.
Lena: ikakasal ka kaya ka nag punta dito
Carl: pero iba ang nagyare Lena, may nangyari sa akin sa atin...
Lena: Walang atin Carl...walang tayo...walang tayo...kasalanan ko toh...kasalanan ko toh... 
Carl: Lena...lena...lena listen...kung papayag ka lang, gusto kitang ialis dito. Lena, lahat nang magagandang nang yari sa akin dahil sa iyo...gusto ko ring magawa yun para sa iyo...Lena gusto kitang ialis dito, gusto kong ipakita sa iyo na may ibang mundo. Where you can shine and be happy. I want you to see how beautiful you are Lena. 
Lena: ang tagal ko nang ganito Carl...hindi ko na alam kung papano maging iba..
Carl: sssshhhh....No...no...

Lena: kahit gustong gusto ko dahil hindi ko kayo maiwan, dahil kayo ang pamilya ko. kaya hanggang sa pinaka maliit na butil ng parusa tinatanggap ko maging anak nyo lang uli ako...

Lena: san ba tayo pupunta
Carl: wala, gusto lang kitang masolo, na miss kita, na miss ko yung lahat. Na miss ko yung gata, na miss ko yung Mayon.
Lena: baka pag sawaan mo din...
Carl: ako mag sasawa? Nevah!!!


#movie,
#pelikula,
#kailangankita,
#KailanganKita2002Movie,
#ClaudineBarretto,
#AgaMulach,
#FilipinoMovie,
#AllTimeFavoriteMovies,
#iSTariray23AllTimeFavoriteMovies,
#istariray23moments,

Search This Blog

Other Post

Blog Archive