Practical tips sa pagsagot ng modules:
Hanap ka nang magandang puwesto sa loob nang bahay kung saan magiging kumportable kang sumagot nang modules mo. Mas maganda yung may view para naman pag-nag sawa ka nang kasasagot pedekang tumingin sa view nang ilang sandali at balikan ang iyong pag-sasagot.
1.Kung ano yung module na ginagawa mo as of the moment, yun lang muna ang ilagay sa mesa. Ang iba na module itago muna para hindi ka ma-stress kakatingin sa kanila. ๐
2. Huwag sabay-sabay sagutan lahat ng modules. Kahit self-paced ang pagsagot, mas maganda pa rin na may schedule ka na sinusunod o checklist ng module na natapos mo na.
3. Sequential o pasunod ang activities sa module. Bago pumunta sa last activity, mas maganda kung naunawaan mo muna ng maigi ang lesson.
4. Kung hindi nauunawaan ang lesson, huwag mahiyang magtanong sa teacher o kaklase na nakakaunawa na. Kailangan mo talagang mag-exert ng extra effort para mas makaintindi ka. Ito ang dapat na focus sa pag-accomplish sa modules: ANG PAG-INTINDI SA LESSON. Ang mga activities at answer key ay ginawa para matulungan kang mamonitor ang iyong pag-intindi sa lesson.
5. Kung napapagod, magpahinga. Pero be careful, baka yung pahinga mo, inilaan mo lang sa social media at baka mas mataas pa oras mo sa social media kaysa sa paggawa ng module. Yan tuloy mas napagod ka. Huwag ganun!
6. Hindi mo kakayanin kung magba-base ka lang sa sarili mong kakayahan. Magdasal at humingi ng wisdom at strength sa Panginoon kung paano mo gagawin ang iyong mga gawain sa isang araw.
Mga students, ito lang talaga ang tatandaan ninyo. Gawin ninyo ang mga kailangan ninyong gawin hindi dahil required kayo na gawin ito kundi sa kagustuhan ninyo na matuto. Kung slow ang iyong pag-intindi, wala naman nagsasabi sa iyo na kailangan mong bilisan. Ang importante, na-exert mo lahat ng effort na kaya mong ibigay para maintindihan ang inyong mga lessons. ๐