Ako si iStar-Tariray
Ang sarap balik balikan
ang pagiging bata, masasabi kong ito ay isang ala-ala na talagang tumatak sa
akin habang ako ay lumalaki.
Angono Rizal ang aking kinalakihang lugar, maaga akong na-exposed sa mga maka sining na bagay gaya ng mga pinta nina Botong Francisco, Pamilya Blancos ng Angono pati na rin si Nemiranda.
Angono Rizal ang aking kinalakihang lugar, maaga akong na-exposed sa mga maka sining na bagay gaya ng mga pinta nina Botong Francisco, Pamilya Blancos ng Angono pati na rin si Nemiranda.
23Nov2013 A visit to Angono with my family |
Nung bata pa ako ay di uso ang wi-fi, dsl, broadband, cell phone, ipad, camera at kung anu-anu pang hi-tech na bagay na meron na ngayon. Mayayaman lang ang meron nun, subalit ako’y isang anak pawis. Dukha kung tutuusin, pangarap ko ang mga ganuong klaseng laruan at gadget subalit sa estado ng aking buhay ay talagang pangarap nga lamang ito… Kasiyahan ko na nuon ang mga simple at mu-munting bagay na nag-bibigay ng kasiyahan sa akin pati na rin ang aking mga kapatid...
Ang mag-laro sa ilalim
ng malakas na ulan at mag-sasayaw ng di mo mawari.
Maligo sa ilog kasama ang iyong mga kalaro mapa-babae at lalake. Aakyat sa sanga ng punong naka usli sa katawan ng ilog at sisigaw ng “Yehey” bago tumalon ng buong lakas.
Patintero sa ilalim ng matinding sikat ng araw na tila walang paki-alam sa sunburn na idudulot nito sa aming balat.
Mag-lalaro ng
Tagu-Taguan sa dapit hapon hanggang sa mag-dilim at ipapapa-tuloy pagkatapos
kumain ng gabihan habang maliwanag ang sikat ng bilog na buwan.
Sha-To at Tumbang Preso ay di din naluma sa akin nung mga panahong iyon.
Black-1-2-3 na habulan ay di din nakalampas sa mga paborito kong laro.
Sipaang Bola at Batuhang Tao ay naging paborito ko din, isama mo na din ang agawang panyo na nilalaro ko kung wala nang gusting mag-laro nung mga nabanggit kong laro.
Kung umu-ulan naman at ang paliligo sa ilalim ng ulan ay hinde pupuede- Sungka, jackstone, pick-up sticks naman ang pumupuno ng araw naming mag-kakapatid. Wala kasi kaming TV nuong mga panahong iyon, kaya sa mga simple at mumunting bagay lamang ay naka pag-bibigay na sa amin ng kasiyahan ang mga ito…
Kung minsan, hindi mo
ako mahahanap sa paligid ng aming bahay sa Guido. Kasama ko kasi ang aking mga
kapatid sa bundok ng Vincentian Hills Seminary para umakyat ng mga bunga ng
punong kahoy gaya ng santol, mangga, kaimito, bayabas, kamias at papaya. Kapag
sinipag naman nag-lilinis kami ng mga silid sa seminaryo habang naka bakasyon
ang mga seminarista para maka-pag-uwi ng pagkain sa mas bata ko pang
kapatid.
Nag kolekta din ako ng
mga stationary na mababango kahit wala naman akong susulatan. Kung nakaluluwag
naman ako sa baon, nag tatabi ako para lang bumili ng songhits ng mga bagong
kanta na kinakanta naming sabay sa nag-iisa naming radyo sa bahay. Ang Nutri
Bun ay naging bahagi rin ng buhay estudyante ko, ang matipid na peanut butter
na palaman nito na halos di mo malasahan sa sobrang nipis ay isang masarap na
meryenda na sa recess.
Ang bukirin ng Angono
Rizal ay may napaka-gandang tanawin para sa akin sa buong taon. Sa musmos kong
kaisipan ito ang tumatak sa akin na patuloy ko pa din ikinukuwento sa aking mga
buging-ging. Ang bukid ay berde at buhay na buhay tuwing tag-ulan. Idagdag na
natin ang mga suso, kuhol, hito at dalag na makukuha mo dito pang-ulam. Kulay
tsokolate kung tag-araw at ma-sarap maglaro ng habulan sa kadahilanang madali
mong mahuli ang hinahabol mo dahil sa bitak-bitak na lupa nito. Kulay ginto kung
panahon ng anihan, sa ganitong panahon din sa Angono Rizal, makikita mo kaming
nasa bukid at nag-lalaro sa tambak-tambak na mga dayami at sa ginapasang palay.
Ang pag-lundag sa mga iyon ay bahagi ng isang masayang alaala ng aking
kabataan.
Mga ala-alang kaylanman
ay di kayang palitan ng mga bagong teknolohiya na meron na tayo ngayon. Ninais
ko ring maranans ng aking mga anak ang simple, payak at walang luhong buhay
bata na ang meron na lamang ay yung mga bata na nasa probinsiya. Iba na din
kasi ang panahon ngayon, ang mga bata ay mas ni-nanais pang mamalagi sa loob ng
bahay upang mag-laro ng kanilang ipad at tablet. Kaya nga kung kinakaya ng
aming iskedyul mag-asawa kami ay umu-uwi sa probinsya para kahit man lamang sa
mga panakaw na sandali muli maging ganap na bata ang aking mga anak.